Pete Advincula alyas Bikoy, nagpiyansa para sa kasong Conspiracy to Commit Sedition

Naglagak ng piyansa sa hukuman si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy para sa kasong Conspiracy to Commit Sedition.

Kasama ni Advincula na nagtungo sa Quezon City Metropolitan Trial Court para magpiyansa ang abogadong si Larry Gadon.

Sampung libong piso ang inilagak na piyansa ni Advincula para sa pansamantala nitong kalayaan.

Una nang nagpiyansa ang iba pang akusado sa krimen matapos mag-isyu ng arrest warrant ang Korte.

Sa linggong ito nakatakdang magpiyansa ang pangunahin sa mga akusado na si dating Senador Antonio Trillanes IV sa oras na makabalik na sa Pilipinas mula sa abroad.

Itinakda ng Korte ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa mga akusado sa March 17.

Ang kaso ay nag-ugat sa serye ng “Ang Totoong Narcolist” videos na nagsasangkot kay Pangulong Duterte at sa pamilya nito sa iligal na droga. 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: