Peter Advincula posibleng kasuhan din ng DOJ ng inciting to sedition gaya ni Rodel Jayme

Posibleng maharap din sa kasong inciting to sedition si Peter Joemel Advincula na nagpakilalang alyas Bikoy.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kung mabigo si Advincula na humarap sa NBI at magsumite ng kanyang reklamo at ebidensya laban sa mga idinadawit nito sa kalakalan ng iligal na droga ay ikukonsidera ng DOJ na isama ito sa kaso laban kay Rodel Jayme.

Bukod sa kasong inciting to sedition, maari din anyang sampahan si Advincula ng iba pang kasong kriminal matapos ang kaukulang imbestigasyon laban dito.

Ayon sa kalihim, hinihintay lamang ng NBI si Advincula na magpakita at isumite  sa kanila ang kanyang sinumpaang salaysay na may kalakip na ebidensya.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *