Petsa ng birthday ni Pang. Duterte, ipinanukala sa Kamara na ideklarang special working holiday

Inihain sa kongreso ang panukalang pagdedeklara sa  March 28 bilang President Rodrigo Roa Duterte day para gunitain ang simula ng tunay na mga pagbabago sa Pilipinas, pagkakaisa at pag-unlad ng buong bansa.

Sa inihaing House Bill No. 5377, ni San Jose del Monte City Rep. Florida Robes, ipinapanukala niyang ideklara ang araw ng kaarawan ni Duterte na special working holiday na aniya’y rising Southeast Asian strongman leader.

Ayon pa kay Robes ang pamumuno ni Duterte ay ang muli ring pagkabuhay ng “pride” sa mga Pilipino.

Dagdag pa niya na ang kaarawan ng Pangulo ay araw ng pag-asa at inspirasyon sa sambayanan.

Kasama din sa naturang panukala ang pagtatalaga sa mga kabataan lalo na ang mga military cadet at mga boy at girl scout na ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan, pride at kagalingan sa pakikipagtulungan sa gobyerno para maging isang Southeast Asian powerhouse ang Pilipinas na maipagmamalaki ng lahat.

Please follow and like us: