Philhealth, pinagbabayad ng Philippine Red Cross ng 500 milyong piso

Pinagbabayad ng Philippine Red Cross ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ng pagkakautang nito para sa Covid-19 testing.

Ayon kay Senador Richard Gordon, aabot na sa 762.8 ang bagong utang ng Philhealth at dapat bayaran na kahit ang 500 milyong piso.

Sinabi ni Gordon, kailangan kasi nila ng dagdag na pondo para madaliin ang testing.

Araw-araw ang PRC aniya ay nagsasagawa ng testing para sa may anim hanggang 7,000 mga Filipino.

Aminado ang Senador na maaaring masuspinde muli ang kanilang testing kung magkaka-problema na naman sa pagbabayad.

Meanne Corvera

Please follow and like us: