Philippine Army at NDRRMC, nagpatupad na ng force evacuation sa Atimonan Quezon

Nagsagawa na ng force evacuation ang Phil. Army at NDRRMC sa Atimonan Quezon.

Bataysa report, hindi na makalabas ng bahay ang mga residente doo dahil sa lampas taong tubig baha.

Hindi na rin madaanan ang major higway patungong Bicol.

Samantala isang pampasaherong bus ng DLTB ang lumubog rin sa baha sa Pitogo  sa Quezon.

Alas tres ng madaling araw nang maistranded ang pampasaherong bus sakay ang 35 pasahero.

Ayon kay Senior Supt. Roderick Armamento ng Quezon PNP, umabot ng hanggang leeg ang tubig baha pero nai-rescue na ang mga pasahero pagkatapos ng anim na oras.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *