Pilipinas at Finland lumagda ng joint declaration para sa patas at ethical recruitment ng Pinoy skilled workers

Photo: DMW
Nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at Finland na magtulungan para sa patas at ethical na recruitment ng Pinoy skilled workers.
Ito ay sa pamamagitan ng paglagda ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Ministry of Economic Affairs and Employment (MEAE) ng Finland sa joint of declaration of intent (JDI).
Ayon sa DMW, layon ng joint declaration na matiyak ang maayos at sustainable working condition ng skilled workers na Pilipino sa Finland.
Isa sa mga napagkasunduan ng dalawang bansa ay ang pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa, kasama ang pagsusulong sa licensure ng healthcare professionals para ma-practice nila ang kanilang propesyon sa Finland.
Gayundin, ang pagbuo ng memorandum of understanding (MOU) para sa recruitment ng Pinoy specialists at professionals sa Finland.
Sa tala ng DMW noong 2023, nasa 12,770 Pilipinong manggagawa ang naninirahan at nagtatrabaho sa Finland.
Moira Encina-Cruz