Pilipinas at US military aircraft, nagsagawa ng bilateral air patrol sa West Philippine Sea

Photo courtesy of PAF 5th Fighter Wing
Nagsagawa ng combines air patrol ang fighter at bomber aircraft ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Philippine Air Force (PAF) spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, na ang aktibidad ay bahagi ng ninth multilateral maritime cooperative activity (MMCA), sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng US Pacific Air Forces (PACAF).
Ang PAF ay nagdeploy ng tatlong PAF FA-50PH fighter jets, habang ang PACAF ay nagpadala naman ng isang Rockwell B-1B “Lancer” strategic bomber, kasama ng dalawang F-16S “Vipers” at isang F-18 multi-role fighter.
Wala nang iba pang detalyeng ibinahagi para sa kadahilanang pangseguridad.
Ayon kay Castillo, layon ng aktibidad na patatagin pa ang kolaborasyon at palakasin ang interoperability sa pagitan ng AFP at US forces.
Sa aktibidad na ito, pinatitibay ng PAF ang kanilang pangako at kahandaang magsagawa ng operasyon, upang suportahan ang misyon ng AFP sa pangangalaga sa teritoryo at mga karapatan sa soberenya ng bansa, at itaguyod ang isang ligtas at matatag na Indo-Pacific region.
PNA