Pilipinas, muling nahirang bilang UN Tourism General Assembly vice president

0
Pilipinas, muling nahirang bilang UN Tourism General Assembly vice president

Tourism Secretary Christina Frasco (DOT file photo)

Muling nahirang ang Pilipinas bilang vice president ng 26th General Assembly ng United Nations Tourism at chair ng Commission for East Asia and the Pacific (CAP) mula 2025 hanggang 2027.

Sa isang press conference sa sidelines ng 56th Meeting of the UN Tpurism CAP na ginanap sa Jakarta, Indonesia ay pinasalamatan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco ang member states ng UN Tourism, sa pagsasabing isusulong ng bansa ang mas matatag na kolaborasyon sa loob ng UN body.

Sa pamamagitan aniya ng muling pagkakahirang sa Pilipinas, sinabi ng DOT na ang Marcos administration ay patuloy na palalakasin ang kaniyang commitment sa global tourism cooperation at diplomacy.

Ang kaparehong posisyon ay hinawakan ng Pilipinas matapos itong mahirang sa 55th Meeting of the UN Tourism Regional Commission for East Asia and the Pacific, na ginanap sa Cambodia noong 2023.

Noong 2024, matagumpay na naging host ang bansa ng 36th CAP – Commission for South Asia at sa inagurasyon ng UN Tourism Regional Forum for Gastronomy Tourism, kung saan nagtipon ang mahigit sa anim na raang mga delegasyon mula sa higit apatnapung mga bansa sa Cebu.

Ang Japan at Fiji ay nagsumite ng kanilang mga kandidato bilang vice chairs ng CAP. Samantala, na-nominate naman ang Laos bilang miyembro ng Credentials Committee, habang para sa specialized committee ay na-nominate ang South Korea para sa Committee on Tourism Online Education.

Sa Pilipinas, sinabi ni Frasco na ang tourism agenda ay sumusunod sa UN Tourism, laluna sa pagpapabuti ng tourism education at pag-maximize sa innovation at digitalization sa sektor.

Ani Frasco, “In the Philippines, these are topics that resonate very well with us, especially that our focus is on the development of quality tourism, to prioritize our stakeholders first and foremost that they’re able to benefit from the touristic activities that are conducted upon our shores.’

Dagdag pa niya, “We are eager to work together with our fellow countries in this region to ensure that we are able to arise to the fullest potential of tourism for this region, while at the same time sustaining the longevity of these destinations for generations to come.”

Una nang pinuri ni UN Tourism Secretary General Zurab Pololikashvili ang Pilipinas para patuloy nitong liderato sa regional tourism, habang binangiit din ang matagumpay na hosting ng bansa sa UN meetings noong 2024.

Binigyang-diin pa ng UN official na ang pangunahing layunin ngayon ay ang mamuhunan sa paglikha ng trabaho at edukasyon. Muli niyang pinagtibay ang pangako ng UN Tourism sa pagtatatag ng isang Tourism Academy sa Cebu.

PNA

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *