Pilipinas, suportado ang Promotion and policy enhancement ng BPO at IT sector

Nasa India na ang delegasyon ng Pilipinas kasama ng Department of Trade and Industry o DTI upang daluhan ang pagpupulong na may kinalaman sa promotion at policy enhancement sa sektor ng Business Processing Outsourcing at Information Technology.

Ayon kay DTI Undersecretary Nora Terado, kinikilala at suportado ng Pilipinas ang pagpapalakas at pagpapabuti sa BPO at IT sector bilang isa sa source of income ng mga Filipino at tumutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Sa Enero 25 ay ipagdiriwang sa India ang kanilang Republic Day at kasabay nito ang Asean-India dialogue meeting kasama ang 10 Heads of State ng Asean at mga dialogue partners nito.

 

Ulat ni Jet Hilario

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *