Pinaglabanan Shrine sa San Juan City, bukas na muli para sa mga nais mag-ehersisyo

Binuksan na muli para sa mga nais mag-ehersisyo gaya ng jogging o running ang Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, sinabi na pwede na muli ang mga individual exercises sa Pinaglabanan Shrine.

Ito ay basta sumunod lamang sa mga health at safety protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield.

Nilinaw din ng city government na bawal pa rin ang mga group exercises partikular ang pagtitipon ng higit sa sampu katao dahil sa patuloy na banta ng Covid-19.

Moira Encina

Please follow and like us: