Pinakamababang kaso ng COVID-19 naitala ngayong araw nasa 1,019 na

Naitala ngayong araw ang pinakamababang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health, pumalo na sa kabuuang 3,654,284 ang kaso ng virus infection matapos makapagtala ng 1,019 na bagong mga kaso.

Naitala naman sa kabuuang 56,668 ang aktibong kaso.

Samantala, umakyat naman sa 3,541,840 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa bansa matapos maragdag ang 2,988 na nakarekober sa bansa dahil sa COVID-19.

Habang tumaas naman sa 55,776 ang death toll matapos makapagtala ng bagong 13 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa virus.

Please follow and like us: