Pinakamalaking Inflatable obstacle course sa buong mundo

                                                    www.upi.com

Inanunsyo ng Guinness World records ang pinakamalaking inflatable obstacle course sa buong mundo, na ang sukat ay 1,625.72 feet long at tinaguriang “The Beast.”

Ayon sa Guinness, ang the beast na dinisenyo ng hold my shoes at v-formation, ay opisyal na sinukat matapos itong mag-debut sa Belgium noong isang taon.

Ang the beast ay binubuo ng 60 challenge sections at limang wipe-out obstacles sa dulo, ay nakatakdang dalhin sa Britanya para sa three-day stay sa May 26-28, sa Betteshanger Country park malapit sa Deal, England.

Nakatakda rin itong dalhin sa Australia, Japan, Brazil at ilan pang mga bansa.

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *