Pinakamalaking winter storm sa US, ramdam na!

Ramdam na ng mga estado sa East Coast ng America ang hagupit ng posibleng pinakamalaking winter storm sa kasaysayan ng US.

Isa na ang naitalang patay habang buhos na ang snow sa Washington DC, sanhi din ito ng pagkaka stranded ng mga motorista. Kabilang na nga sa mga naipit ng matinding traffic ay ang motorcade ni Pres. Obama.

Isinailalim na sa state of emergency ang mga estado ng Pennsylvania, Merry Land, North Carolina at Virginia. Sarado rin pansamantala ang mga paaralan at kanselado rin ang mga byaheng ng tren sa Washington.

Please follow and like us: