Pinakamataas na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong Sabado

Nakapagtala ng 26,303 na bagong kaso ng COVID 19 ang Department of Health ngayong araw.

Ito na ang pinakamataas na bagong kaso ng mga kaso ng Covid 19 na naitala ng DOH sa kanilang daily tally report.

Sa kabuuan, umabot na sa 2,206,021 ang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 185,706 ang aktibong kaso.

May 16,013 naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 1,985,337 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa Covid 19 dito sa bansa.

May 79 namang naiulat na nasawi, kaya nasa 34,978 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: