Pinakamataas na bilang ng mga bagong namatay sa Covid-19 sa CAR, naitala kahapon

Nakapagtala ng pinakamataas na single-day Covid-19 death cases ang Cordillera Administrative Region (CAR) kahapon, Linggo, September 12, 2021.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) – Cordillera, 23 katao ang naragdag sa mga namatay mula sa mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Mountain Province at Baguio city.

Dahil dito, pumalo na sa 1,034 ang kabuuang pumanaw sa rehiyon dahil sa virus infection.

Pumapalo naman sa 6,695 ang active cases sa rehiyon kung saan ang Baguio city ang naitalang may pinakamataas na kaso na 2,268 sumunod ang Benguet na may 1,483 cases.

Habang ang Abra ay mayroong 522 cases; Apayao -1,002; Ifugao- 500; Kalinga -690; at Mountain Province -230.

Mula sa mga aktibong kaso, 2,766 ang asymptomatic, 3474 ang may mild symptoms, 211 ang moderate, 7 ang severe at 192 ang bineberipika pa.

Please follow and like us: