Plano ng mga LGU na magkaroon ng sariling bakuna, welcome sa Malakanyang

Hindi minamasama ng Malakanyang ang plano ng mga Local Government Units o LGU’S na magkaroon ng sariling anti COVID 19 vaccine para sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque malaking tulong ito sa National Government kaugnay ng isasagawang mass vaccination program laban sa COVID 19.

Ayon kay Roque makipag-ugnayan lamang ang mga LGU’S kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez dahil lahat ng negosasyon sa gagawing pagbili ng anti COVID 19 vaccine ay Government to Government.

Batay sa report naglaan na ng kaukulang pondo para makabili ng sariling bakuna laban sa COVID 19 ang mga pamahalaang lokal ng Lungsod ng Maynila, Makati at Pasig.

Niliwanag ni Roque hindi lamang ang mga LGU’S ang nagnanais na makabili ng sariling bakuna kundi maging ang mga pribadong sektor ng mga negosyante ay naglaan na rin ng mga pondo para matulungan ang pamahalaan sa pagbili ng anti COVID 19 vaccine.

Vic Somintac

Please follow and like us: