Planta ng kuryente na napinsala ng lindol, kaagad pinakukumpuni ng DOE

Kinalampag  ng Department of Energy (DOE) ang may-ari ng mga pangunahing planta ng kuryente na nagtamo ng pinsala dahil sa magkakasunod na lindol sa Batangas.

Sinabi ni DOE Secretary Alfonso Cusi, mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng power plant at hiniling ang agarang pagpapaayos ng kanilang planta sakaling may nakitang sira.

Nanawagan din si Cusi ng pakikipagtulungan sa mga power plant owner para sa mabilisang pagsasa-ayos ng mga planta.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *