Plenary session sa August 9-11, suspendido dahil sa ECQ sa Metro Manila

Inanunsyo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na suspendido na ang sesyon ng Senado mula August 9 hanggang 11.

Ito’y dahil sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng Delta variant ng Covid-19.

Sinabi ni Zubiri na pag-uusapan pa kung pati ang mga committee hearings ay masusupinde.

Bagamat online, kakailanganin pa rin ng mga stenographers at mga empleyado para sa isyung teknikal.

Ang Metro Manila ay isasailalim sa ECQ simula sa August 6 hanggang 20.

Meanne Corvera

Please follow and like us: