PNP, bumuo ng Task group na mag-iimbestiga sa Cotabato blast

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Philippine National Police kaugnay ng nangyaring pagpapasabog sa harap ng isang mall sa Cotabato city na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng maraming iba pa.

Sinabi ni Chief Sut. Eliseo Rasco ng PNP- Region 12, layon ng task group na mapabilis ang imbestigasyon at matukoy ang mga nasa likod ng pambobomba.

Kasama sa inaalam ng PNP kung paano nakalusot ang mga suspek sa kabila ng mahigpit na seguridad dahil sa umiiral na Martial law sa Mindanao.

Sa imbestigasyon ang improvised explosives device ay sumabog sa entrance ng South Seas mall habang isang IED na hindi pa sumabog ang nadiskubre sa baggage counter ng mall.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *