PNP Chief Gen. Sinas, binisita ang AFP Central Command sa Cebu city

photo credit: PNP official FB page

Nag-courtesy call si Philippine National Police Chief General Debold Sinas sa Central Command ng Armed Forces of the Philippines.

Binisita ni Sinas si AFP Commander Lt. General Roberto Ancan bilang bahagi ng kaniyang unang pagbisita sa Cebu matapos ang kaniyang pagkakatalaga bilang PNP Chief.

Sa pagdating ni Sinas sa Central Command ng AFP ay ginawaran siya ng Foyer honors kaalinsabay ng mainit na pagtanggap sa kaniya ng Centcom staff na nasa reception line.

Binati ni Ancan si Sinas dahil sa karapat-dapat na pagkakatalaga sa kaniya bilang hepe ng Pambansang Pulisya at hangad niya na mas lalaong lalakas ng pwersa ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Sinas.

Si Sinas at Ancan ay parehong nagmula sa Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987.

Please follow and like us: