PNP hinamon ng CHR na ilabas ang resulta ng imbestigasyon sa EJK

Hinimok ng Commission on Human Rights ang Philippine National Police Internal Affairs Service(PNP-IAS) na ilabas na ang resulta ng imbestigasyon sa mga insidente ng extra judicial killings.

Ayon kay CHR Comissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, matagal na nila itong hinihingi sa PNP.

Iginiit rin ng CHR na dapat nang ilabas ang imbestigasyon ng PNP para hindi maghinala ang publiko na may tinatago ang pambansang pulisya.

Una nang sinabi ng CHR na wala pa silang nakakalap na ebidensya na magpapatunay na mayroong nagaganap na state-sponsored killings.

Nakatakda namang ilabas ng CHR ang resulta ng sarili nilang imbestigasyon sa mga insidente ng EJK sa Mayo.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *