PNP, nakaalerto ngayong “ber” months

Umarangkada na ang security preparations ng Philippine National Police (PNP) ngayong pumasok na ang “ber” months.

Sa panayam ng Radyo Agila balita alas-siyete kay PNP Spokesperson General Bernard Banac, ito ang mga panahong nagsisimula nang magdagsaan ang ilan nating mga kababayan para mamili para sa mga holiday vacation.

Dahil dito, tiniyak ni Banac na handa ang PNP na magbigay seguridad para sa lahat.

Mahigpit pa rin aniya nilang ipatutupad ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa clearing operations.

Wala rin aniya silang namomonitor na anumang banta ng terorismo sa ngayon.

Walang dapat ipangamba ang ating mga kababayan dahil ang buong hanay ng PNP at maging ang AFP ay nakaa;erto sa ganitong mga panahon. Sa ngayon ay wala tayong natatanggap na anumang banta sa seguridad. Binibigyan natin ng assurance ang ating mga kababayan na narririyan palagi ang PNP para magbigya safety sa ating mga kababayan”.

Gen.,Bernard Banac, PNP Spokesperson
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *