PNP nakapagtala ng 126 panibagong mga nakarekober sa Covid-19

126 bagong mga gumaling mula sa Covid-19 ang naitala ng Philippine National Police.

Dahil dito, umakyat na sa 19,615 ang recovery rate ng PNP sa vius infection batay na rin sa datos ng PNP Health service.

Samantala, nakapagtala naman ng panibagong 86 kaso ng Covid-19 sa kanilang hanay.

Kaya umakyat na sa 21,168 ang kabuuang kaso.

Nananatili naman sa 58 ang death toll ng PNP sa Covid-19.

Please follow and like us: