PNP, nakapagtala ng higit 130 bagong recoveries mula sa Covid-19

Kabuuang 134 bagong mga nakarekober mula sa Covid-19 ang naitala sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 20,878 ang recovery cases mula sa virus infection.

May naitala namang 148 na bagong mga kaso ng Covid-19 kaya umabot na sa 22,316 ang kumpirmadong kaso sa kanilang hanay.

Pero sa bilang na ito, nasa 1,376 lamang ang aktibong kaso.

Nanatili naman sa 62 ang death toll dahil walang naitalang bagong pumanaw dahil sa Covid-19.

Please follow and like us: