PNP Region 4a namahagi na ng relief goods sa mga istasyon ng pulisya sa Laguna province


Nagsimula nang mamahagi ang PNP Region 4a ng relief goods para sa mga miyembro ng pulisya sa Laguna province. 

courtesy: PNP P.I.O Calabarzon


Ang mga naturang police personnel ang mga nakadeploy sa ibat ibang istasyon ng pulisya sa buong Laguna. 


Pinangunahan ni Laguna Police Col. Richard Caballero ang distribusyon ng mga bigas, kape, de lata at mga food packs gayundin ng mga medical and hygiene kits.

 
Ito ay bilang pagkilala at pagbibigay halaga ng PNP Calabarzon sa kanilang hanay sa pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad lalo na sa pagpapatupad ng batas sa panahong umiiral ngayon ang ECQ sa laguna bunsod ng pandemiyang hatid ng Covid 19.


Nagpapasalamat naman ang mga pulis ng Laguna Province sa mga natanggap nilang tulong mula sa PNP Reg. 4a Office.

Please follow and like us: