PNP walang nakikitang basehan para suspendihin ang mga pulis na nagsagawa ng raid sa bahay ng mga Parojinog

Walang nakikitang basehan ang PNP para patawan ng suspensiyon ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa madugong raid sa Ozamiz City.

Ayon kay PNP Chief Police Dir. Gen. Ronald dela Rosa, lehitimo ang ikinasang police operation at naaayon sa standard operating procedure o SOP ang isinagawang drug raid.

Ayon pa sa PNP Chief, nagsagawa ng moto propio investigation ang PNP-IAS dahil may namatay sa operasyon at ang gamit na mga armas ay mula sa tropa ng pamahalaan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *