Police Commanders sa buong bansa inatasan ni Pang. Duterte na gumawa ng listahan ng drug personalities sa kanilang nasasakupan

Binigyan ng direktiba ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga police commanders sa buong bansa na gumawa ng listahan ng mga drug personalities sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ng Pangulo na dapat kilala ng mga police commander kung sino-sino ang mga drug pushers at adik sa kanilang area of responsibility.

Ang kautusan ng Pangulo ay may kaugnayan sa muling pagpapatupad ng operation tokhang.

Ayon sa Pangulo hindi siya patitinag sa mga kritiko na bumabatikos sa kanyang giyera kontra ilegal na droga.

Inihayag ng Pangulo magkaiba ang mga napapatay na sibilyan sa mga kriminal na napapatay sa lehitimong police operation.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us: