Pondo ng Philhealth malinaw na pinakialaman ng mga tiwaling opisyal ng ahensya

Malinaw na pinakialaman ng mga tiwaling indibidwal ang milyon-milyong pisong pondo ng Philhealth na nagresulta sa pagkakawaldas ng budget sana para sa mga pangangailangang medikal ng mamamayang may malulubhang karamdaman.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on Finance, napatunayang hindi bago ang mga ganitong anomalya kundi matagal nang nangyayari sa loob ng institusyon.

Lumilitaw aniya na iilan lang ang nakikinabang  sa claims na nakapangalan sa isang pekeng pasyente o kaya naman sa mga pasyenteng pumanaw na.

Nabulgar din na nagagawang manipulahin ng Philhealth evaluators ang pagproseso ng claims na maaari nilang gawing mas mataas o mas mababa.

Sinabi ni Angara na kailangang patuloy na imbestigahan ang anomalya sa loob ng Philhealth at dapat maglatag ng permanenting solusyon para hindi na maulit ang mga ganitong katiwalian.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *