Pondo para sa ayuda sa mga mahihirap na Pilipino sa 2025 national budget, idinipensa ni House Speaker Martin Romualdez

Courtesy: HREP Speaker Romualdez FB

Ipinagtanggol ni House Speaker Martin Romualdez ang patuloy na paglalaan ng kongreso ng pondo para sa ayuda sa mga mahihirap na mamamayan, na nakapaloob sa 2025 national budget.

Sa kaniyang pagsasalita bago ang holiday season break ng sesyon ng kamara, sinabi ni Romualdez na ang ayuda sa mga mahihirap na mamamayan ay lubhang kailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate, na nakaaapekto sa presyo ng mga bilihin at serbisyo, epekto ng global conflict at natural disaster.

Inihayag pa ni Romualdez, na ang 2025 national budget ay sumasalamin sa pangangailangan ng bawat pilipino alinsunod sa economic reform agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa ilalim ng Bagong Pilpinas program.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *