Pork barrel, pinangangambahang naisingit ng mga Kongresista sa 2019 budget

Nangangamba si Senador Panfilo Lacson na nakapagsingit na naman ng Pork Barrel ang mga Kongresista sa panukalang 2019 National Expenditure Program.

Kasunod ito ng pahayag ni House Speaker Gloria Arroyo na hindi mangyayari ang zero budget sa bawat distrito ng mga Kongresista.

Sinabi ni Lacson na malinaw sa pahayag ni Arroyo na ang mga distrito ay kunakatawan lamang sa mga Kongresista.

Pero ipinaalala ng Senador na batay sa ruling ng Supreme Court noong November 2013 na Unconstitutional ang anumang pondo na mapupunta sa cngressional district ay maikukunsiderang Priority Development Assistance Fund o Pork Barrel.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *