Posibleng pagpasok ng Pinoy workers sa Greece, tinalakay ng PH envoy sa Greek Minister of Migration

Nakipag-pulong si Philippine Ambassador to Greece Giovanni Palec kay Minister of Migration and Asylum Notis Mitarachi.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pìnag-usapan ng dalawa ang migration policy ng Greece at ang pagpasok ng mga Pilipinong manggagawa sa nasabing bansa.

Courtesy: DFA

Ipinabatid ni Ambassador Palec kay Minister Mitarachi na maraming tanong kung papaano magpapasok ng Pinoy workers sa Greece para punan ang mga bakanteng puwesto sa tourism industry.

Kinumpirma ng Greek official na may malaking kakulangan ng tourism workers.

Kinilala rin ni Mitarachi ang positibo na karanasan ng Greece sa mga Pinoy na manggagawa sa loob ng maraming dekada.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *