PPE jackets at learning materials, ipinamahagi ng Gen. Trias City LGU sa mga guro at mag-aaral

Namahagi ng learning material bags ang City Government General Trias Cavite para sa mga mag-aaral habang PPE jackets naman sa mga guro sa Belvedere, Elementary School.

Ang naturang learning material bags ay naglalaman ng mga papel, panulat, at mga module ng mga mag aaral. 

Lubos naman ang pasasalamat ng mga guro, magulang at mag-aaral sa patuloy na suporta sa kanila ng General Trias City Government.

Samantala, muling nagpapaalala ang Pamahalang lokal ng General Trias sa publiko na huwag balewalain ang mga ipinatutupad na guidelines and standard health protocols sa lungsod. 

Ulat ni Jet Hilario

Photo courtesy: General Trias City Gov’t
Please follow and like us: