Presidential frontrunner Bongbong Marcos, nakaboto na

Nakaboto na si Presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pasado alas-7:00 ngayong umaga.

Bumoto si Marcos sa Mariano Marcos Memorial Elementary School sa Batac, Ilocos Norte.

Kasamang ni Marcos ang kapatid niyang si Irene Marcos-Araneta at panganay nitong anak nitong si Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na tumatakbong Kongresista ng unang distrito ng Ilocos Norte.

Kasama rin ni BBM ang kaniyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Please follow and like us: