Presidential aspirant Pacquiao, gagamiting panlaban ang pagiging sikat sa boksing

Gagamitin raw ni Senador at presidential aspirant Manny Pacquiao ang pagiging sikat na boksingero.

Ayon sa Senador may mga kaibigan siyang bilyonaryo na nagsabing handang maglagak ng puhunan sa bansa.

Pero sa kundisyong kailangang linisin muna ang talamak na kurapsyon sa bansa.

Nakipagpulong kahapon si Pacquiao kay Mayor Oreta at binisita ang pamilya Correa kung saan siya nagtraining at tumulong sa kanya para maging professional boxer.

Namahagi rin ito ng bigas sa mga residente ng Maysilo, Malabon.

Meanne Corvera

Please follow and like us: