Presidential Communications Secretary Martin Andanar nanindigang mayroon planong ibagsak si Pangulong Duterte

 

 

 

 

digong 1

Nanindigan si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na talagang may plano ang mga nasa oposisyon para ibagsak sa kapangyarihan si Pangulong Duterte.

Sinabi ni Andanar na mayroon siyang hawak na intelligence report hinggil sa planadong pagkilos ng anti Duterte group para ibagsak si Pangulong Duterte kung saan gagamitin ang Edsa People Power 1 anniversary para ilunsad ang destabilisasyon sa pamamagitan ng panibagong People Power.

Ayon kay Andanar kung pagbabatayan ang popularity rating ni Pangulong Duterte malabong magtagumpay ang binabalak ng oposisyon na People Power.

Dahil sa isyu ng destabilization plot laban sa administration nagkainitan sina Secretary Andanar at Philippine Daily Inquirer Malakanyang reporter Marlon Ramos habang isinasagawa ang briefing sa Malakanyang.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us: