Presyo ng karneng baboy at gulay, stable pa rin sa kabila ng bird flu outbreak

Nananatiling stable ang presyo ng karneng baboy at gulay sa kabila ng pag-iwas ng ilang mamimili sa pagkain ng manok dahil sa bird flu virus.

Ayon kay Department of Trade and Industry Undersecretary Ted Pascua, kumpiyansa silang hindi magbabago ang presyuhan ng iba pang bilihin sa kabila ng pagtaas ng demand ng ilang produkto.

Kasabay nito, nagbabala si Pascua sa mga negosyante na huwag pagsamantalahan ang sitwasyon dahil nananatili silang nakatutok sa presyuhan sa merkado.

Hinikayat din ng DTI ang mga kainan na ipaskil kung saan nanggaling ang kanilang nilulutong manok para mapanatag ang publiko.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *