Price Range para sa COVID-19 testing inilabas na ng DOH

Inilabas na ng Department of Health ang price range para sa RT PCR testing sa bansa.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kahapon ay lumagda na ang DOH at Department of Trade and industry para sa isang joint administrative order sa price range ng COVID-19 testing.

Salig rito, ang price range para sa RT PCR test sa mga pribadong laboratoryo o ospital ay mula 4,500 hanggang 5,000 pesos.

Habang naka fix naman sa 3,800 ang para sa mga pampublikong laboratoryo o ospital.

Tiniyak naman ni Duque na bago inaprubahan ang price range ay dumaan ito sa masusing pag aaral at nagkaroon ng mga survey at konsultasyon sa lahat ng stakeholders.

Magiging epektibo ang price range para sa swab testing sa lalong madaling panahon matapos itong maipublish sa mga pangunahing pahayagan.

Nagbabala naman si Duque sa mga hindi susunod sa joint administrative order na ito na maaari silang masuspunde o matanggalan ng kanilang license to operate bilang COVID-19 laboratories.

Madz Moratillo

Please follow and like us: