Price range para sa rapid at antigen testing isusunod na rin ng DOH

Isusunod na rin ng Department of Health sa lalagyan ng price range ang mga rapid at antigen testing sa bansa.

Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng anunsyo sa price range ng RT-PCR testing.

Paliwanag ni Duque hindi nila ito naisabay sa ginawang pag aaral para sa RT-PCR test dahil bago lang ito.

Partikular na ang antigen testing na kailan lamang sinimulang gamitin dito sa bansa.

Ayon kay Duque kailangan nila ng sapat na datos at mga impormasyon patungkol rito bago maglabas ng price range o magiging presyuhan ng mga COVID-19 testing na ito.

Ang hakbang ng gobyerno na pagtatakda ng price range sa COVID-19 testing sa bansa ay kasunod ng napakalaking pagkakaiba ng singilan sa iba’t ibang laboratoryo at ospital.

Madz Moratillo

Please follow and like us: