Prince Harry at Meghan Markle, ipinagpaliban ang honeymoon para sa Royal duties

 

Balik trabaho muna ang newly wed na sina Prince Harry at ngayo’y duchess of Sussex na si Meghan Markle, matapos ang engrandeng kasal sa St. George’s chapel Windsor, England.

Mananatili muna sa kanilang bahay sa Kensington palace sa London ang 36-year-old american actress at 33-year-old Duke of Sussex upang dumalo sa garden party ng ama ni Harry na si Prince Charles.

Gaganapin ang nasabing party sa Buckingham palace, bukas, Martes, para sa 70th birthday patronage celebration ng Prince of Wales.

Samantala, bilang opisyal nang miyembro ng British royal family, mayroon nang sariling section si Markle sa royal.uk website kung saan naka-highlight ang kanyang charity work sa halip na ang nakagawiang acting career.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *