Programang libreng pag-aaral para sa mga Palaweño, Dinagsa sa bayan ng Roxas, Palawan

2

ROXAS, PALAWAN – Dinagsa ng mga mamamayan ang isinagawang Training Induction Program ng Asian Bussiness Cabletow Cooperative Academy Inc. at TESDA sa Roxas Municipal Gym.

Ang nasabing Training Induction Program ay binuo ng Local Government Unit ng Roxas sa pamamagitan ni Roxas Municipal Administrator Hon. Vic Lagera para  matulungan ang mga mamamayan ng bayan na magkaroon ng mga sapat na kasanayan sa Heavy Equipment para makakuha ng  magandang trabaho di lamang dito sa lalawigan kundi maging sa labas ng bansa.

Sa Inspirational message ni Administrator Lagera nagpasalamat ito kay Palawan Governor Jose Chavez Alvarez dahil sa paglalatag ng mga programang tulad ng PGP-JCA Scholarship Program na naglalayong makapagbigay ng libreng pag-aaral para sa mga nagnanais matuto ng iba’t-ibang skills ngunit kapos sa pinansyal na pangangailangan.

Dumalo sa nasabing programa ang kinatawan ng Provincial Government Office na si Program Consultant Christopher Magbanuan at ABCCA Administrator Dr. Soc Anthony M. Del Rosario.

Ulat ni: Anne Ramos

 

 

Please follow and like us: