Proklamasyon sa mga nanalong Senador, itinakda sa Miyerkules

Inaasahang maipoproklama na ng Commission on Elections ang mga nanalong kandidato sa pagka-Senador sa Miyerkules.

Ito ayon kay Comelec Commissioner George Garcia ay kung darating ngayong araw ang certificate of canvass mula sa Hong Kong.

Ang COC mula sa Hong Kong ay mula sa mga ginawang botohan sa Hong Kong, Macau at mainland China.

Pero hindi ito naitransmit dahil walang naging halalan sa Shanghai, China dahil sa ipinatupad na lockdown roon dahil sa surge ng Covid-19 cases.

Ayon kay Garcia, sa araw ng proklamasyon, bawat isang nanalong Senador ay puwedeng magsama ng limang tao.

Itinakda naman ng Comelec ang proklamasyon sa nanalong Partylist sa araw ng Huwebes.

Madz Moratillo

Please follow and like us: