Prosekusyon hinamon ni dating Sen. Bong Revilla na maglabas ng mas matibay na ebidensya laban sa kanya kaugnay ng pork barrel scam

Humarap na si dating Senador  Bong Revilla sa paglilitis ng kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan 1st Division kaugnay ng pork barrel scam.

Ito ang unang pagdalo ni Revilla sa pormal na paglilitis na ng kanyang kaso.

Hindi siya nakasipot sa nakaraang pagdinig dahil biglaan itong na-confine sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Biglang sumama ang pakiramdam nito nang dalawin ang amang si dating Sen. Ramon Revilla Sr. na doon din naka confine.

Hindi nagustuhan ng mga mahistrado ng First Division na hindi ito naipagbigay alam man lamang sa kanila.

Pero ayon kay Revilla,   mataas ang kanyang createnin,  uric acid at cholesterol sa kabila ng ehersisyo ng tatlong oras kada araw.

Dagdag pa ng dating Senador,  mahirap na tatlong taon na siyang naghihintay na magkaroon ng resolusyon ang kanyang kaso pero tanggap niyang kailangang pagdaanan ito.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *