3 patay, mahigit 30 sugatan sa sumabog na water tank sa San Jose Del Monte, Bulacan

Tatlo na ang namatay at mahigit 30 ang nasugatan makaraang sumabog ang water tank sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sinabi ni San Jose Del Monte Police Chief, Supt. Fitz Macariola, nawasak ang water tank at rumagasa ang tubig sa mga bahay at establisyimento sa palibot nito.

Tinatayang aabot sa 2,000 cubic meters ang capacity ng bumigay na tangke.

Naganap ang pagsabog alas 3:30 ng madaling araw at may narinig silang tunog ng pagkasira o crack mula sa tangke.

Hanggang sa sandaling ito ay patuloy ang kanilang ginagawang pagsisiyasat kung ano ang sanhi ng pagsabog ng water tank .

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *