70 pamilya apektado ng sunog sa Puerto Princesa, Palawan

Tinatayang aabot ng mahigit 70 pamilya ang nasunugan at tantayng nasa 30 pamilya nag nanunuluyan sa barangay hall ng Bancao2, Puerto Princesa, Palawan.

Nagmula sa gasul ang nanyaring sunog, at dahil dikit dikit ang mga kabahayan at gawa sa mga light materials o mga sawali ang karamihan sa dingding ng mga residente, mas lalo pang bumilis ang pagkalat ng apoy dahil sa malakas na hangin.

Naapula ang apoy dahil nagtulong tulong na ang mga residente at bombero sa pag apula.

Samantala pasado alas 5 ng hapon ng ideklarang fire out ang nasabing lugar na nagsimula pasado ala una ng hapon.

Sa kasalukuyan ay nasa evacuation area ang mga apektado Wala namang naitatalang nasaktan sa mga apektado ng sunog samantalang
patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang kabuuang pinsala ng nasabing insidente.

ulat ni Cedrick Salvador

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *