Apartment sa Dagupan City, Pangasinan natupok ng apoy

Tinupok ng apoy ang ang dalawang palapag na apartment sa Nava St. sa Dagupan City.

Ayon kay Supt. Jandale Sulit, hepe ng Dagupan City PNP, alas 4 ng hapon kahapon nang magliyab ang apartment at pasado alas singko nang ideklara ang fireout ng pamatay sunog.

Rumesponde sa pag-apula ng apoy ang PANDA Dagupan (isang NGO ng Chinese group) at Dagupan City Fire Department.

Ayon sa Dagupan City PNP, gawa sa light materials ang apartment.

Inaalam na ang kabuuang halaga ng pinsala at kung ano ang sanhi ng sunog sa apartment na pag-aari ng isang Willy Diaz.

Wala namang nadamay na nasaktan at ibang ari-arian matapos ang mabilis na pagresponde ng pamatay sunof sa siudad.

ulat ni Nora Dominguez

photo ctto:Marian Esmeralda

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *