Apat patay at 4 din ang kritikal sa bangggaan ng bus at fx sa Puerto Princesa, Palawan

Apat ang patay habang apat din ang kritikal nang bumangga ang isang pampasaherong bus sa isang fx sa Barangay Santa Cruz Puerto Princesa sa lugar na kung tawagin ay bitukang manok dahil sa liku-likong daan nito.

Galing norte ng Palawan ang bus na tumihaya matapos itong hindi nakapag preno at bumangga sa fx.

Karamihan sa mga nasa kritikal na kundisyon ay naipit sa loob ng bus nang matumba ito.

Kabilang dito ang drayber ng bus na kinilalang si Ruben Talde.

May tatlong pasahero rin ng fx ang nasa krtikal na kundisyon.

Agad naman silang naisugod sa pagamutan sa tulong ng rescue ambulance na agad dumating sa pinangyarihan ng aksidente.

Nagsasagawa pa ng imbistigasyon ang mga otoridad hinggil sa naturang aksidente.

Ulat ni Anne Ramos

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *