Construction worker sugatan matapos saksakin ng menor de edad na binatilyo

Sugatan ang isang construction worker matapos itong saksakin ng isang menor de edad na grade 8 student sa Brgy. Poblacion, San Fabian, Pangasinan.

Lumalabas sa imbestigasyon, pasado alas diyes kagabi habang namamasyal sa town plaza si Afred Fabros oOchoco, 20 taong gulang, nang biglang biruin nya ang suspek na bagong gising at hamonin ng suntokan at hanggang sa mapikon ang suspek at undayan sya ng saksak

Nagtamo ng sugat si Ochoco sa kaliwang bahagi ng katawan.
Nakumpiska naman sa suspek ang ginamit na patalim.

Sa kasalukuyang nakaconfined ang biktima sa region one medical center sa Dagupan City samantalang nasa kostodiya na ng DSWD ang suspek

Ulat ni Herminio Diano

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *