Daan-daang bilang ng turista, na-stranded sa Parola Island sa Jose Panganiban, Camarines Norte

Mahigit 200 turista ang stranded ngayon sa Parola Island resort sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte dahilan sa sama ng panahong nararanasan sa lalawigan.

Wala namang anunsiyo na bagyo subalit ito umano ay sanhi ng tail end of the cold front ayon sa pagtataya ng PAGASA.

Nagpadala na ng rescue ang LGU Jose Panganiban kabilang ang 4 na malalaking bangka na may dalang mga pagkain at inumin sapagkat 2 araw na ang mga pag-ulan sa lalawigan.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO,sa oras na humina na ang daluyong ng malalaking alon sa dagat at maging mapayapa na ay kaagad na itatawid pabalik ng bayan ang mga stranded na turista .

Ulat ni Orlando Encinares

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *