Isang tower ng NGCP, pinasabog na naman

Isa na namang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines ang pinasabog sa cotabato.

Batay sa post ng NGCP, pinasabugan ng hindi pa nakikilalang suspek ang tower #68 sa Kibawe-Kabacan 138 Kilovolts sa Barangay Pagangan, sa bayan ng Aleosan kagabi.

Ayon sa NGCP maswerte namang hindi bumagsak ang nasabing tower.

Samantala, kaagad namang isasaayos ang nasabing tower kapag nasecure na ng militar at pulisya ang lugar.

Sa ngayon patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng grupong responsable sa pambobomba sa nabanggit na tower.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *