Lalaki, patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pagadian City

===================
Patay isang laborer matapos pagbabarilin ng riding criminals sa Dablo Street Purok Bagong Silang sa Barangay Sta. Lucia sa Pagadian City.

Kinilala ang biktima na si Jovanie Ajo Babawi biente nwebe (29) anyos, residente sa Purok Hiniusa barangay Lumbia sa nasabing syudad.

Base sa inisyal na imbistigation sa mga otoridad lumalabas, galing sa Barangay Dumagoc ang biktima nang papauwi na ito sa kanyang bahay sakay ng kanyang motorsiklo ngunit pagdating sa nasabing lugar isang motorsiklo rin ang tumapat at pinagbabaril ang biktima.

Kahit may tama na ang biktima ay sinubukan pa nitong tumakas ngunit sa di kalayuan ay natumba rin ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ulo at leeg na naging dahilan sa kanyang agarang kamatayan.

Agad naman tumakas ang mga suspek sa di pa matukoy na lugar gamit ang motorsiklo.

Kabilang sa nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre kwarentay singkong baril.

Sa ngayon patuloy pang inaalam ng Pagadian-PNP ang motibo sa nasabing pamamaslang.

Ulat ni Ferdinand Libor

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *